top of page
  • Facebook
  • Gmail Logo
Bantayog.png

World Teachers’ Day, ipinagdiwang ng Licerio

Jasmine Fiona Curammeng

Noong ika-5 ng Oktubre 2021, ipinagdiwang ng Gen. Licerio Geronimo Memorial National High School (GLGMNHS) ang World Teachers’ Day bilang pasasalamat sa mga guro na patuloy na sumusuporta at nagtatrabaho sa kabila ng pagsubok at pandemyang kinakaharap.

 

Iginunita ng mga ka-Heneral ang nasabing selebrasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng programa na inihandog ng mga mag-aaral para sa kanilang guro na pinangunahan ng Supreme Student Government (SSG) at Licerian Teachers and Employees Association (LTEA).

 

Ayon kay Bb. Abdullah Magda S. Diga, ginunita ang World Teachers’ Day bilang pagkilala sa mga bayaning guro at makilala rin ang kanilang kahalagahan bilang isang tagahubog ng edukasyon, kaalaman, at iba pa.

         Ngayong nasa gitna pa ng pandemya, nagkaroon ng virtual program para sa mga guro tulad ng mga palaro at presentasyon na pinangunahan ng LTEA sa Google meet, at naghikayat naman ng mga mag-aaral ang SSG na magpost appreciation para sa mga guro.

 

"Ang mga guro ay may kakayahan na pinakamahusay na hubugin ang mga pinuno ng hinaharap upang magkaroon ng positibo at inspiradong henerasyon ng lipunan sa hinaharap at sa gayon ay hubugin ang lipunan kapwa sa lokal at sa buong mundo. Sa katunayan, ang mga guro ang may pinakamahalagang trabaho sa mundo. Ang mga nakakaimpluwensya sa mga anak ng lipunan ay may kapangyarihang magbago ng buhay," pahayag ni Anthony Fabillar, estudyante mula sa ikapitong baitang ng Galileo.

 

Napuno ng kasiyahan ang nasabing selebrasyon kahit na virtual itong ipinagdiriwang ng Licerio.

© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School

school logo_edited.png
bottom of page