top of page
  • Facebook
  • Gmail Logo
Bantayog.png

Salamat, Paalam

Hannah Mickaela Oracoy

Liham ni Pag-asa

Para kay Bituin ng tala

Mga salitang tinago,

Pangarap na pinako

 

Sa simpleng pagpikit mo

Ang puso'y nanunudyo

Sa pagdilat ng mata,

Ako'y nalulula

 

Piling mo'y aking tahanan

Pwede ba tayong tumakas sa kawalan?

Kalimutan muna ang lahat,

Tayo naman dapat

 

Sobra na ba,

Kung hihiling ako ng isa pa?

Para sa lubid na 'di mabitawan

Pulang 'di malaktawan

 

Itaas ang baso,

Para sa mga hindi inabot ng dulo

Narito na lang ang aking liham

Salamat, paalam

Agham

© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School

school logo_edited.png
bottom of page