top of page
  • Facebook
  • Gmail Logo
Bantayog.png

Project Grasya, pinaigting sa Licerio

Sophia Bianca H. Nanip
275389414_1021810491792703_7937314675656289770_n.jpg

Pinaigting ang Project Grasya sa mga mag-aaral ng Gen. Licerio Geronimo Memorial National High School (GLGMNHS) na isinakatuparan ng Singaporean Management University (SMU) at ni Dr. Esmalia P. Cabalang kasama ang mga guro upang mapagtibay ang kanilang kakayahan sa mga asignaturang Mathematics, Science at English.

 

Noong Mayo 2018, sinimulang magkaroon ng mga libreng sesyon sa mga piling mag-aaral mula sa ikapito hanggang sa ikasampung baitang na mas nangangailangan ng pagsasanay sa tatlong asignatura, at ipinagpatuloy pa rin ito sa ikaapat na taon na tinawag ng “Project Grasya 4”.

 

Ayon kay Bb. Abdullah Magda S. Diga, guro sa Matematika, nagbigay ang paaralan ng least mastered skills sa tatlong asignatura na pokus ng sesyon sa Project Grasya.

 

Hinati sa lunes, miyerkules at biyernes ang sesyon ng programa gayundin ang mga mag-aaral base sa kanilang klase sa pamamagitan ng Zoom at isang beses lamang sila sa isang linggo papasok dito.

 

“Nawa’y magamit nila ang kanilang natutunan sa proyekto at ibahagi din sa kapwa mag-aaral. Sa mga magulang, taos puso kaming nagpapasalamat sa support na binibigay sa anumang proyekto ng paaralan. Sa mga Singaporean partners, we are truly blessed and grateful for this project rest assured that we and the students will apply all the leanings that we had learned in this project and continue to extend helping hand to our little generals,” mensahe ni Bb. Diga.

 

Dagdag pa niya, naging matagumpay ang mga nakaraang taon ng proyekto kaya inilulunsad pa rin ito sa paaralan hanggang ngayon at inaanyayahan pa ang mga estudyante na lumahok sa mga programa ng paaralan.

 

“Learning is a never ending process. Take this great opportunity na binigay sa inyo ng ating paaralan lalo pa’t ito ay libre at higit na makakatulong sa pagpapanday ng inyong kaalaman at kakayahan. Nakakatulong din ito upang makilala at makipagkaibigan sa ibang banyaga at maging tulay upang magkaroon ng maganda at mabuting samahan,” panapos ni Bb. Diga.

© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School

school logo_edited.png
bottom of page