Ang Lakbay Tungo sa Pagbuo ng Bakuna Kontra COVID-19
Ernest Louise Macas
Dalawang taon na ang nakalipas matapos magsimula ang pandemya ng SARS-Cov-2 sa Wuhan, China noong ika-31 ng Disyembre 2019 at ang pagkalat nito sa buong daigdig.Ngayon tinatawag na bilang COVID-19. Ngunit sa kasalukuyan, mayroon ng iba’t ibang mga bakuna laban sa COVID-19 ang nabuo dahil sa pagtutulungan at kooperasyon ng mga siyentipiko mula sa mga ahensya at pamahalaan ng iba’t ibang mga bansa.
​
Nagsimula ang pananaliksik tungo sa pagbuo ng bakuna sa simula pa lamang ng pandemya. Unang inilathala ang genetic sequence ng COVID-19 noong January 11, 2020. Gamit ang kaalaman na inilabas, nagsimula na ng tuluyan ang pagbuo ng bakuna at ang paghahanda ng mga bansa sa maaaring maging epekto ng sakit.
​
Hinimok ng World Health Organization (WHO) ang mga pamahalaan na magtulungan at magbigay ng kahit anong impormasyon na masasaliksik tungkol sa COVID-19 at sa mga paraan upang malabanan ito.
​
Ayon kay BJC HealthCare chief clinical officer Clay Dunagan, MD, na kahit bago man ang sakit na COVID-19, hindi na bago ang proseso upang makagawa ng bakuna para sa mga klase ng sakit na coronavirus, isa na sa mga ito ang COVID-19, at ang iba pang coronavirus katulad ng severe acute respiratory syndrome (SARS) at middle east respiratory syndrome (MERS).
​
“This vaccine strategy was explored in the original SARS (severe acute respiratory syndrome) and MERS (Middle-East respiratory syndrome) virus outbreaks,” sabi ni Dr. Dunagan.
​
“So, it’s not unprecedented for use in people.” dagdag pa ni Dunagan.
​
Isa sa mga unang institusyon na tumahak sa pagbuo ng bakuna ang Central for Disease Control and Prevention (CDC) mula sa Estados Unidos, sila ang isa sa mga pinaka kilala at maunlad na institusyong medikal sa buong mundo. Kaakibat nila ang Food and Drug Administration (FDA) sa pag-apruba at pag-abrupa ng mga bakuna na kanilang natatanggap mula sa mga korporasyon katulad ng Pfizer at iba pa.
​
Dumadaan sa tatlong clinical trials ang bawat bakuna na ibinibigay sa CDC, libo-libong mga tao ng iba’t ibang edad, kasarian at iba pa ang nakikilahok sa mga pagsubok na ito, upang malaman at agad na maitala ang mga maaaring epekto ng bakuna.
​
FDA naman ang sumusuri pagdating sa mga resulta ng mga clinical trials bago nila aprubahan ang bakuna upang magamit sa publiko. Ang mga bakuna na Pfizer-BioNTech (Comirnaty), Moderna COVID-19 mRNA vaccines (Spikevax) at Johnson & Johnson’s Janssen COVID-19 vaccine (Ad26.COV2.) pa lamang ang napahintulutan na magamit ng FDA sa Estados Unidos.
​
Di lamang ang ang Estados Unido ang bansang bumuo ng kanilang mga bakuna, kasama na dito ang mga bansa ng China (Sinovac-CoronaVac)(Sinopharm Covilo), Russia (Sputnik V), United Kingdom (Oxford/AstraZeneca-Vaxzevria).
​
Marami sa mga bakuna na nabanggit ang makikita sa Pilipinas ngayon upang magamit para mabakunahan ang karamihan sa mga mamamayan. Donasyon at binili ang karamihan sa mga bakunang natanggap habang galing naman sa COVAX scheme ng WHO ang iba.
​
Dahil sa mga bakuna na ito, nakapag simula ang Pilipinas sa programa nito sa pagbabakuna noong ika-1 ng Marso, 2021 at kasalukuyan pa ring nagpapatuloy.
Ngayong ika-28 ng Enero, mayroon ng 126,164,109 total na bilang ng mga dosis na ang naiturok sa buong bansa. 58,679,172 na mga tao ang fully vaccinated habang 7,191,918 booster dosis naman ang naiturok.
​
Ayon sa isang banggit ni Dr. Eric J. Yager, isang associate professor of microbiology mula sa Albany College of Pharmacy and Health Sciences “The pandemic has ushered in a new era of vaccine research. The combination of the global collaboration of scientists and the development of mRNA vaccines is akin to the “landing-on-the-moon moment.”
​
Maraming trabaho at pondo ang kinailangan tungo sa pagbuo ng bakuna, ngunit dahil sa malawakang kooperasyon ng mga korporasyon, pamahalaan, ahensya, at institusyon at sa dami ng saliksik at kaalaman na mayroon tungkol sa coronavirus, mabilis na nakamit ang layunin at nakabuo agad ng bakuna laban sa COVID-19.
Iba Pang Balita
Pangmukha
Balita
Editoryal
Lathalain
Literatura
Isports
Agham
© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School