top of page
  • Facebook
  • Gmail Logo
Bantayog.png

Kasanayang Panlipunan sa Loob ng Tahanan

Mariane Eunice G. Mortega
DEOCADEZ, Kasanayang Panlipunan sa Loob ng Tahanan (Mariane Eunice G. Mortega).png

Dalawang taon na ang nakalipas simula nang ipatupad ang Online Distance Learning (ODL) sa Pilipinas dahil sa COVID-19. Kadalasan, hindi maaaring lumabas ang mga menor de edad at nananatiling limitado ang mga paraan ng komunikasyon sa pagitan ng kanilang mga kaibigan at kaklase kaya ikinababahala ng mga eksperto ang social skills ng mga estudyante. Ang hindi pakikipagkita ng mga estudyante sa personal ay sapat nang dahilan ng pagkababa ng kanilang social skills.  

​

Batay sa pag-aaral ni Öngören, isang mananaliksik sa Unibersidad ng NevÅŸehir, maraming negatibong epekto ang pandemya sa ating paraan ng pamumuhay dahil sa limitadong paglabas at takot na magkaroon ng sakit. Dahil dito, dapat na suportahan ng mga pamilya ang isa’t isa dahil sila lang din ang nakakaintindi sa mga nararanasan ng nasa loob ng tahanan. Sila lamang ang magkakasama sa panahon ng pandemya at magpapatuloy ito hanggang hindi pa sinasabing puwede na lumabas nang malaya ang lahat. 

​

Ayon naman sa pag-aaral ni Echavez at Dusal- Alpuerto, mga tagapagsaliksik sa Unibersidad ng Bohol, mahalaga ang social skills lalo na sa mga nasa ika-10 baitang dahil dito sila nagkakaroon ng malinaw na pagsusuri sa kanilang mga sarili at kung saan sila lulugar sa panlipunang mundo. Hindi nagtatapos sa paaralan ang pakikisalamuha sa iba’t ibang grupo at mahalaga din ito sa panahon na magtatrabaho na sila. 

​

Ipinahiwatig din sa United Nations Children's Fund (UNICEF), na dapat gamitin ang COVID-19 bilang pagkakaroon ng maganda at matatag na relasyon sa pagitan ng mga pamilya. Dahil hindi na madalas umalis ng bahay ang kabataan, kailangan na nilang harapin ang katotohanan at tanggapin na ang kanilang pamilya ang kasangga nila sa mga mangyayari sa kanilang buhay hanggang sa dulo. 

​

Mahaba ang binibigay na oras ng pandemya sa bawat isa at huwag palagpasin ang oportunidad na ito. Hindi taun-taon ay kaya ng lahat makasalamuha ang kani-kanilang pamilya nang kasing dalas ng nagagawa ng bawat pamilya ngayon kaya dapat na sulitin ito. Nakahihiya man na magsabi ng sikreto o magkuwento sa ating kapamilya kaysa sa ating mga kaibigan, ngunit laging alalahanin na “blood is thicker than water.” Sa lahat ng karanasan sa buhay, may ibang mga taong magsasaya sa pagkapanalo ng isa– ngunit ang pamilya, maaaring magdamayan sa lahat ng oras kung mananaig ang pagmamahalan sa bawat miyembrong nakapaloob dito.

Agham

© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School

school logo_edited.png
bottom of page