Six Billion Doses: Panibagong Hakbang ng Mundo kontra COVID-19
Ernest Louise Macas
Simula noong ika-22 ng Septyembre 2021, anim na bilyong doses na ng bakuna kontra COVID ang naiturok sa buong daigdig ayon sa tala ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Tuluy-tuloy lamang ang pagdami ng mga nababakunahan sa iba’t-ibang panig ng mundo. Dalawampu't siyam na araw ang kinailangan upang maka-abot sa anim na bilyon mula sa limang bilyon. 30 araw naman ang nailaan para sa limang bilyon mula sa apat na bilyon at 29 araw naman upang makamit ang apat na bilyon galing sa tatlong bilyon.
​
Mabilis ang naging progreso ng pagdami ng mga nabakunahanan, nagsimula ito sa 140 na araw upang makapag-turok ng unang bilyong doses. Ayon sa Bloomberg COVID-19 Tracker, umabot na ng 32, 306, 706 na bakuna ang naituturok araw-araw sa mundo ngunit hindi pantay-pantay ang bilang ng mga ito sa iba’t-ibang parte ng daigdig. Nangunguna ang mga bansa ng China, India, at United States of America sa bilang ng mga naturukan ng mga doses. Sila ang bumubuo ng halos 40% ng mga doses, bumibilang sa 2.18 na bilyon. Pagdating naman sa bilang ng doses sa mga bansang mayroong populasyong lagpas ng isang milyon, nangunguna ang United Arab Emirates kung saan 81% na ng kanilang populasyon ang baksinado at mayroong 198 na dosis sa bawat 100 na taong naninirahan dito. Sinusundan ito ng mga bansa na Uruguay may bilang na 175 na dosis sa bawat 100 tao, Israel (171), Cuba (163), Qatar (162) at Portugal (154).
​
Marami na rin sa mas mahirap na mga bansa ang nagsisimula ng kanilang mga sariling vaccination programs sa tulong ng mga donasyon ng ibang mga bansa at ng COVAX–isang sistema na binuo upang mapabilis ang paggawa ng mga bakuna at para masigurado na mayroong bakunang matatanggap ang bawat bansa na parte nito. Pagpatak ng ika-20 ng Setyembre 2021, Burundi, Eritrea at North Korea na lamang ang hindi nagsisimula sa kanilang pagbabakuna, ito ay ang mga bansa ng Burundi, Eritrea at North Korea. Malaking hakbang na ang anim na bilyong dosis laban sa COVID-19 at tuluy-tuloy pa itong mas dadami pa sa hinaharap. Patuloy nating nakakamit ito dahil sa pagtutulung-tulong ng mga bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang mga bansang may kakayahan ay nagbibigay ng kamay sa abot ng kanilang makakaya. Binigyan ang sangkatauhan ng tsansa upang makamit ang mas maayos na kooperasyon ng bawat isa sa pamamagitan ng pandemyang ito, at sana hindi natin kalimutan ang mga leksyon na ibinigay sa atin sa ganitong klase ng panahon.
Iba Pang Balita
Pangmukha
Balita
Editoryal
Lathalain
Literatura
Isports
Agham
© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School