top of page
  • Facebook
  • Gmail Logo
Bantayog.png

Bakuna Muna Bago Magbalik ang Face-to-Face Classes

Ava Vernice V. Valenzuela
Pates, 8-Pasteur, Bakuna Muna Bago Magbalik Face-to-Face Classes.png

Binago ng pandemya ang pamamaraan ng pagtuturo kung saan naging online ang pakikipag-ugnayan ng mga guro at estudyante. Iba’t ibang klase ng gadgets ang naging tulay para sa pagkatuto ng mga bata katulad ng cellphone, tablet, laptop pati na rin ang personal computer. Ang ganitong paraan ng pag-aaral ay hindi nagtatapos sa mga gadgets sapagkat mayroon ding mga printed modules na kinukuha ng mga guardian ng bata sa eskuwelahan.

​

Noong nakaraang Disyembre 2020, sinabi ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na maaaring ibalik na ang face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19. Nagkaroon na rin pilot testing sa pagbabakasakaling maibalik na ang face-to-face classes. Isinumite kay President Duterte ang plano ngunit hindi ito pinayagan dahil sa mga dumaraming kaso ng COVID-19.

​

Makabubuti ang pagbubukas ng face-to-face classes kung nabakunahan na ang karamihan ng mamamayan sa ating bansa nang sa gayon ay mapigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa atin. Karamihan sa mga bata at kanilang guardian ay patuloy pa ring nangangamba sa magiging resulta ng bakuna sa kanila kung kaya’t marami pa rin ang mga mamamayan na hindi pa nakapagpapabakuna.

​

Hindi dapat inilalagay sa panganib ang mga bata. Maaaring makapaghintay sa pagbukas ng face-to-face classes at magkaroon ng bakuna ang mga estudyante upang mas maging ligtas ang pagbabalik ng mga mag-aaral sa paaralan. Para naman sa mga wala pang bakuna, panatilihin na lamang ang ligtas at malusog ang pangangatawan.

​

Nararapat lamang na pag-isipan muna ng DepEd ang pagbabalik ng face-to-face classes. Nakataya rito ang kalusugan ng mga bata dahil patuloy pa rin ang pagkakaroon ng mga kaso ng COVID-19 at hindi pa nababakunahan lahat ng mga bata. Hindi natin puwedeng ilagay sa alanganin ang mga mag-aaral pati na ang mga guro sa hindi planadong pagbabalik ng face-to-face classes.

Agham

© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School

school logo_edited.png
bottom of page