top of page
  • Facebook
  • Gmail Logo
Bantayog.png

Hustisya, Paano nga ba?

Kate Allen Legario

Saan ba nakukuha ang hustisya? Napupulot lang ba ito sa mga nakikita ng mamamayan o sa katotohanan na sinasabi ng mga impostor?  Paano ba sinisiil ang hustisya sa mundong mapakla kung higit na kadiliman lamang ang makikita sa malawak na mundo ng hustisya?

 

Iba't ibang karahasan ang sinapit ng mga biktima na nangangailangan ng hustisya, mayroong mga krimen na nagaganap sa mga bata at matanda, isa na lamang ay maihahalintulad sa kaso ng 'Maguad siblings' kung saan mas pinangababawan ng emosyon ang isa sa mga kriminal na napuno ng inis, galit, at inggit na naging resulta sa pagpaslang sa magkapatid. Base sa pag-aaral ng isang Assistant Professor na si Doktora Lori Desautels sa College Education sa Butler University, ang pagtanggap ng negatibong karamdaman ay magpapabuhay sa ating pag-iisip, ngunit kailangang makontrol ito dahil ang mga isip natin ay maraming bagay na kayang gawin kung hindi naagapan agad. Walang kahustisya-hustisya ang nagawa ng tunay na kriminal sa karahasan na kaniyang ibinigay sa magkapatid, isa itong bagay na mahirap mahanap sa katotohanan dahil sa kasalanan na ginawa.

​

Karamihan sa pangyayari ay madaming nagsasabi na madalang na makakuha ng hustisya, kung ikaw ay mahirap, mga inosente o walang armas na tao ay nawawalan ng buhay at hindi nabibigyan ng hustisya dahil sa pwersa o sa kapangyarihan na meron ang kabilang panig. Paano mapagsisilbihan ng hustisya ang isang bansa na kinalilimutan siya? Paano magsisilbi ang hustisya kung may mga taong nakakaya siyang manipulahin? Hindi makapagsisilbi nang tama ang hustisya kung ang may kasalanan ay malaya pa habang ang mga biktima at inosente ang nagmamakaawa sa mapait na karanasang nasapit nila. Hindi ba hinuhubog ang kanilang katawan ng pagkabagabag—sa kaba, sa takot, sa hustisya? Hindi ba nawawala ang kanilang katinuan sa pagkuha ng karapatang mabuhay ng ibang tao? Kung iisipin ng isa ang nasisirang kamay sa mga malalagim na nagawa, mahalagang makisama ang mga opisyal at mamamayan sa pagpaparamdam ng hustisya.

​

Karapatan at hustisya ang ninanais ng mga biktima. Uhaw sa isipan na sana ay mabigyan ng katotohanan ang kanilang reyalidad. Paano mabubuhay ang hustisya kung ganito ang mga pangyayari? Paano nga ba mapapanagutan ang katotohanan sa kabila ng mga nakuhang inosenteng buhay? Ating buhayin at hubugin ang katotohanan sa reyalidad at huwag mag-bulag-bulagan sa karangyaan ng mga kriminal.

Agham

© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School

school logo_edited.png
bottom of page