top of page
  • Facebook
  • Gmail Logo
Bantayog.png

Project Ilaw, tugon sa problema sa kuryente

Sophia Bianca H. Nanip
270876898_948667909169323_1479827009482302101_n.jpg

Tinugunan ng Project Ilaw ang pangangailangan sa kuryente ng mga piling mag-aaral ng Gen. Licerio Geronimo Memorial National High School (GLGMNHS) na hindi naaabot ng kuryente sa layo ng kanilang lugar sa pangunguna ni G. Ervito S. Cayetano katuwang si Ginoong Randy N. Veleña.

​

Sinimulan ang unang pamimigay ng mga rechargeable na ilaw sa napiling 60 na mag-aaral ng GLGMNHS na pinangunahan ng ilang mga guro at General Parents-Teachers Association (GPTA) officers kasama ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) noong ika-1 ng Oktubre 2021 na idinaos sa Sitio Katwiran, Brgy. San Rafael, Rodriguez Rizal.

​

“Ang Project ILAW ay binigyang kahulugan ng ating Punong Guro bilang illuminate Learning Adversities and weaknesses na kung saan ang goal nito ay makapagbigay tayo ng suporta sa pag-aaral ng mga estudyante lalo na iyong nasa MDL class,” pahayag ni G. Cayetano, Brigada Eskwela Coordinator.

​

Sinasabi na isa sa suliranin ng ilang mag-aaral sa Modular Distance Learning (MDL) at mga magulang ng Licerio ang kuryente sa kanilang lugar kaya’t naging inspirasyon ito ng mga guro upang mag-organisa ng proyektong makatutulong sa pag-aaral sa new normal.

Hiniling naman ni G. Cayetano na gawing inspirasyon ang naging handog sa mga Licerians para sa kanilang pag-aaral at maging halimbawa sa kapwa mag-aaral upang sila ang magbigay ng tulong sa susunod na panahon. 

​

Patuloy ang paghingi ng mga donasyon para sa nasabing proyekto at iba pang gawain ng Brigada Eskwela at inaasahang makalilikom ng pondo para sa ikalawang pamamahagi sa susunod na buwan ng Disyembre bago magpasko.

​

“Nais ko pong hikayatin ang ating mga dating mag-aaral at iba pang stakeholders na samahan kami at maging parte ng pagbibigay natin ng liwanag sa ating mga mag-aaral, malaking bagay po ang bawat donasyon na inyo pong ibibigay,” panapos ni G. Cayetano.

© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School

school logo_edited.png
bottom of page