top of page
  • Facebook
  • Gmail Logo
Bantayog.png

Licerian, sumabak sa MTAP Refresher Program

Hannah Kriztefan Angeles

Sumabak ang mga mag-aaral ng Gen. Licerio Geronimo Memorial National High School (GLGMNHS) sa kauna-unahang Math-MTAP Refresher Program na binuo ng Math department noong ika-11 ng Enero 2022 sa pamamagitan ng google meet.

 

Sinimulan ang nasabing programa noong ika-11 ng Enero 2022 at magpapatuloy hanggang sa ika-3 ng Marso 2022, tuwing Martes para sa mga kasali mula sa ikapito at ikawalong baitang at Huwebes naman para sa mga kalahok ng ikasiyam at ikasampung baitang na gaganapin sa oras na 1:30 pm hanggang 2:20 ng hapon.

 

“The Math-MTAP Refresher Program aims to awaken greater interest in Mathematics of MTAPers/MTAP Enthusiasts and encourage the MTAPers/MTAP Enthusiasts to expand their mastery of basic mathematical skills and strive for excellence in Mathematics,” panayam ni Gng. Analia B. Ador, isa sa mga focal person ng MTAP Refresher Program.

 

Pinangunahan ng Math department ang nasabing programa na kinabibilangan nina Gng. Analia B. Ador, Bb. Abdullah Magda S. Diga, MTAPers, MTAP Alumni, Math teachers, Master Teacher at ng Department Chairman.

 

Ginabayan naman ng mga MTAP coaches at MTAP leaders ang mga kasali sa bawat baitang, na sina Bb. Abdullah Magda S. Diga at Bb. Joyce L. Aringo sa Grade 7, G. Sherwin Sotto at G. Leandro Jose Angeles sa Grade 8, G. Aldrin Vergara at G. Jacen P. Molo sa Grade 9, at Gng. Analia B. Ador at G. Marvin Manangan sa Grade 10.

 

Dagdag pa rito, layunin din ng MTAP refresher Program na mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga MTAPers bilang paghahanda sa kanilang kompetisyon. 

“Congratulations dear students na aming napili upang sumali sa kauna unahang MTAP refresher program. Ito ay malaking tulong sa inyo upang mahasa pa ang inyong kaalaman at mapadali ang pag aaral ng mathematika. Enjoy learning and enjoy mathematics,” panapos ni Gng. Ador.

© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School

school logo_edited.png
bottom of page