top of page
  • Facebook
  • Gmail Logo
Bantayog.png

Liwanag sa Dilim: Project Ilaw

Deza Geraldez
271649397_640240380460771_8255110664220777066_n.jpg

Litrato mula kay Francis Edward Arinton

Para sa mga mag-aaral ngayong panahon ng pandemya, tila ba nabubulag na sila sa dilim ng mga problema. Kasabay nito ang kakulangan din sa liwanag na kanilang nasasagap para mag-aral kaya naman gumawa ng proyekto ang Gen. Licerio Geronimo Memorial National High School (GLGMNHS) na tinawag na Project ILAW para sa mga estudyanteng nahihirapan sa paraan ng pag-aaral ngayon dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente sa kanilang tahanan.

​

Ang Project Ilaw ay in-organisa ni G. Ervito S. Cayetano, Brigada Eskwela Coordinator katuwang ang Adopt School Coordinator na si G. Randy N. Veleña sa pahintulot ng Punong-guro ng GLGMNHS na si Dra. Esmalia P. Cabalang na siyang nagbigay kahulugan sa proyektong Project ILAW bilang “Illuminate Learning Adversities and Weaknesses” kung saan ang layunin nito ay makapagbigay ng suporta sa pag-aaral ng mga estudyante lalo na ang mga nasa Modular Distance Learning classes. Rechargeable na ilaw ang naisip na ibigay para makapagbigay ng sapat na liwanag dahil ang pangunahing problema ng mga mag-aaral sa Licerio na nakatira sa Sitio Gulod, Masaguksok at Sitio Katwiran. Sa mga lugar na nabanggit ay may problema sa kuryente, at ang ilaw ay makatutulong nang sa gayon habang kanilang ginagawa ang kanilang mga gawain sa pagkatuto ay hindi sila mahihirapan. Ang launching ng proyekto ay idinaos sa Sitio Katwiran, Brgy. San Rafael noong Oktubre 1, 2021 kasama ang ilang mga guro, Officers of GPTA at ilang mga tauhan ng Philippine National Police. 

​

Sa unang batch ng Project ILAW ay nakapili ng 60 na mga mag-aaral at matagumpay na naisagawa ang launching. Si G. Cayetano at ang iba pang mga guro kasama na ang Punong-guro ng paaralan ay patuloy sa pagsisikap para sa mga donasyon para sa Project ILAW at iba pang gawain ng Brigada Eskwela, na kung makalilikom ng pondo ay nais na gawin pa sa susunod na buwan bago ang Disyembre, bago dumating ang Pasko. 

​

Naging inspirasyon ng mga guro sa proyektong ito ang mga mag-aaral, pati na rin ang kagustuhang matulungan ang mga magulang na mairaos ng mga bata ang pag-aaral sa new normal dahil sa pandemya. May naging mensahe ang mga guro para sa mga nakatanggap ng Project ILAW na gawin sana nila ang kanilang partisipasyon sa proyekto sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti, maging magandang halimbawa sila sa kanilang lugar upang sa susunod na panahon ay sila naman ang magbibigay ng tulong.

​

Mayroon ding mensahe ang mga guro ng GLGMNHS na nanghihikayat ng mga dating mag-aaral at iba pang stakeholders na samahan ang grupo nila Sir Ervito Cayetano at maging parte ng pagbibigay ng liwanag sa mga mag-aaral ng eskwelahan, dahil sa bawat donasyon na galing sa mga tao ay napakalaki ng halaga nito sa mga katulad nilang guro.

​

Sa bawat dilim na tatahakin, tayo ay maliliwanagan na ang mga bagay ay may solusyon na magbibigay tulong hindi lamang sa iyo kung hindi sa iba pang mga tao katulad na lamang ng proyekto ng GLGMNHS na nailunsad. Sa dilim na kanilang dinaranas, may handog na isang liwanag ang nasabing proyekto gamit ang rechargeable na ilaw upang magamit sa pagsasagot ng mga mag-aaral sa kanilang modyul at makapagpatuloy sa pag-aaral.

Agham

© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School

school logo_edited.png
bottom of page