top of page
  • Facebook
  • Gmail Logo
Bantayog.png

English Month, Idinaos; Ingles sa Licerians, pinalawak

Jasmine Fiona Curammeng
English month.png

Idinaos ng mga batang Licerio at mga guro sa English department ang buwan ng Ingles na may mga patimpalak para sa mga mag-aaral upang mapalawak ang kanilang kaalaman at pagbabasa sa ingles noong ika-26 ng Nobyembre 2021 sa Google meet.

 

Noong araw ng biyernes, naganap ang patimpalak sa Spelling bee at kasunod nito ang pagbibigay parangal sa mga estudyanteng nagtamo ng karangalan sa spoken word poetry, essay writing, photo essay, at poem writing.

​

Para sa essay writing, nagwagi sa ika-pitong baitang sina AJ D. Cuyno, Sophia Victoria S. Tuppil, at Sarah Lois Castro habang sa ikawalong baitang naman sina Jorjeana Kate P. Pineda, Kennard P. Cezar, at Cyrel Sophia Isabel C. De Jesus,

Nagtamo naman ng karangalan sa ikasyam na baitang sina Kyrie Eleison Ponse, Ma. Hanieline Grace Ortiz, at Mavi Allain Loreno, at sina Ernest Louise Macas, John Michael Garcia, at Carla Marie Antipala naman sa ikasampung baitang.

​

Sa poem writing, nagwagi sa ika-pitong baitang sina Maileign Lourine R. Cayetano, Charisse Allyson Lee G. Martin, at Clint Anthony O. Deposoy habang sina Princess Lorelie C. Salenga, Gabrielle Ann G. Claudio at Mario Y. Daclan sa ikawalong baitang.

Nakasungkit naman ng panalo sa ika-syam na baitang sina Maria Monica Negrosa, Cassandra Gonzales, at Samantha Nicole Delmiguez, at panalo sa ikasampung baitang sina Juliene Chloe Perena, Alyza Mae Arguelles, at Angelo Christoff Balce. 

Sa kabilang dako naman, wagi sa photo essay sa ika-pitong baitang sina Aira Charlyn G. Napoles at Angela L. Dandang habang sa ika-walong baitang sina Abigail L. Jamero, Kaile Weslei Saul, at Charmise Shey S. Gaysis.

​

Para naman sa ika-syam na baitang, sina Ma. Hanieline Grace Ortiz, Camyl Franz Balboa at Maria Monica Negrosa, at sina Louise Anne Acosta, Shane Valeria Manuel, at Bea Sapphira Bato mula sa ikasampung baitang ang mga nanalo sa nasabing paligsahan. 

 

Nag-uwi naman ng parangal sa spoken poetry sina Hannah Faith E. Dumlao ng 7-Galileo, Fleance Cynric D. Posada mula sa 8-Anthurium, at Hannah Mickaela F. Oracoy ng 10-Einstein habang si Louis Guttierez mula sa 8-Pasteur ang kampeon sa Spelling Quiz Bee.

 

"Ang english month ay ginugunita at pinahahalagahan ng mga guro sa english department kung saan ang layunin nito ay palawakin pa ang isipan ng mga mag-aaral sa paggamit ng ingles at maging bihasa ang bawat mag-aaral sa pagbabasa ng ingles," pahayag ni Bb. Shermaine Rama, isang guro mula sa English department.

​

Kaugnay nito, nagkaroon din ng problema sa spelling quiz bee competition na kung saan kinakailangang buksan ng mga kalahok ang kanilang mic so buong kompetisyon ngunit nagdulot ito ng ingay at kaguluhan na nagpahirap sa kanilang marinig ang mga salita, nalutas naman ito ng mga facilitator na kaluna’y pinayagang isara ang kanilang mic at tagumpay na natapos ang selebrasyon.

© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School

school logo_edited.png
bottom of page