

Isang Performance Task sa Iba’t Ibang Asignatura
Ava Vernice V. Valenzuela

Noong Nobyembre 2021, iniulat ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagkakaroon ng harmonized task para sa mga estudyante upang mabawasan ang mga o gawain ng mga mag-aaral. Ipinatupad ito dahil sa maraming gawain na ipinapasagot sa mga estudyante kaya naman nilimitahan ang mga ipinagagawa at pinadali ang mga gawain na ibinibigay ng mga guro. Maayos ang naging resulta nito at mas napadali ang ang mga gawain na ipinapagawa.
Ayon sa mag-aaral sa Geronimo Memorial National High School baitang 8-Pasteur na si Katrize Pascual, naging maayos ito para sa kanya sapagkat kahit hindi naaayon ang mga napag-aralan sa paksa, maaari pa ring mapabuti ang pag-aaral sa ibinigay na gawain, bukod roon ay may posibilidad na masira ang focus sa pinag-aralan nila sa mismong paksa na itinuro ng guro.
Ayon naman sa sinabi ng mag-aaral na si Lianne Canlas, galing din sa 8-Pasteur, mas matatapos ang mga gawain at mapadadali ang pag-intindi sa gawain na ibinigay ng guro. Mabibilisan din ang paggawa ng ibang aktibidad pampaaralan dahil nilimitahan ang mga pinapagawang gawain sa isang paksa nang mga guro.
Ang sabi naman ng mag-aaral na si Hearten Bagay, kaklase nina Lianne at
Katrize, maayos ito sa kanya ngunit hindi maiiwasan ang pagkalito sa bawat tanong na ibinigay at may pagkakataon din na nalilito sa bawat gawain sa ibang paksa kaya naman mas kinakailangan pa ng gabay ng guro.
Ang pagkakaroon ng Harmonized Task ay makabubuti sa mga estudyante dahil mababawasan ang mga ipinapagawa kumpara sa dati na mga gawain. Mas magkakaroon din ng oras sa pagpapahinga sa mga gadget ang mga bata at mapapadali rin ang kanilang pag-intindi at pagsagot sa bawat tanong sa gawain.
Iba Pang Balita
Pangmukha
Balita
Editoryal
Lathalain
Literatura
Isports
Agham
© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School
