top of page
  • Facebook
  • Gmail Logo
Bantayog.png

Ikalawang bersyon: Ang New Normal Face-to-Face Demo sa GLGMNHS

Deza Geraldez
270647814_3201151723436242_5727454747208019428_n.jpg

Litrato mula kay Francis Edward Arinton

Para sa mga guro ng Gen. Licerio Memorial National High School ay napakalaking kaginhawaan kung babalik na ang lahat sa normal–ngunit kailan pa? Sa pagbabalik ng tungkulin ng mga guro ay nahihirapan din sila. Malaki ang sayang naibigay sa kanila nang maganap ang face-to-face demo sa mga guro na pinangunahan ni Ginang Lara Andrea Lipata.

​

Noong ika-18 ng Oktubre 2021, sa ganap na alas dyes y medya ng umaga naganap ang face-to-face demo kung saan ang nagsilbing mga mag-aaral ni Ginang Lara Andrea Lipata ay ang benteng mga guro ng GLGMNHS kasama ang nag-oobserbang Punong-guro ng paaralan na si Dra. Esmalia P. Cabalang. Si Ginang Lipata pa lamang ang unang guro na nakapagsagawa ng bagong paraan ng face-to-face demo. Naganap ito mismo sa loob ng isa sa mga gusali ng paaralan. Ang mga itinanong ni Ginang Lipata ay higit na mas mahirap kaysa sa mga itinatanong sa mga estudyante, ito ay sa kadahilanang guro ang mga nakaharap niya. Sa demo na ito ay nagkaroon ng dalawang hakbang. Ang una ay Lesson Exemplar na nagkaroon ng maayos na daloy dahil sa kontribusyon ni Dra. Cabalang. Si Ginang Lipata ay nagkaroon ng pre-observation kung saan ay saksi rin si Dra. Cabalang upang magbigay kaalaman at suhestiyon upang makapaghanda sa mismong demo. Ang pangalawa ay ang mga nagsilbing estudyante na sobrang aktibo at nakisasama sa mga aktibidad na inihanda.

​

 Bilang unang guro sa Geronimo na nakapag-demo nang personal ay nakapapanibago ito sa kaniya dahil na rin sa mga kapwa-guro na nagsilbing estudyante. Sa isang taong pahinga ng face-to-face na pagtuturo ay hindi maipagkakaila na ang lahat ay makapapanibago para sa atin. Siya rin ay naghayag ng saloobin tungkol sa kanyang pagtuturo, “Sa pagtuturo naman para sa akin ay walang kakaiba pero dahil nga sa isang taon na pahinga mula sa face-to-face na pagtuturo ay naka-mimiss at naka-eexcite, napakalaking challege sa mga guro na magdemo ulit ng face-to-face pero kayang-kaya ng mga ka-heneral ‘yan.”  

​

 Dagdag pa ni Ginang Lipata ay gumamit lamang siya ng ICT sa pagpapakita ng mga impormasyon na dapat na malaman ng mga mag-aaral na tinuruan niya, ”Nagkaroon kami ng regular class discussion with eye contact and hand gestures, at sa class activities dagdag din ang simpleng palakpak bilang commendation sa kanilang magagandang gawain,” dagdag ni Ginang Lipata.

​

Ang sabi rin ni Ginang Lipata sa kung ilang porsyento ang ibinaba o itinaas ng kung gaano kaaktibo ang mga mag-aaral ay ganoon pa rin naman dahil din sa mga guro ang nagsilbing mag-aaral ni Ginang Lipata noong siya ay nag-demo. Naging maganda rin ang komento ni Dra. Cabalang sa naging face-to-face demo kaya’t lalong naging matagumpay at maayos ang nangyaring demo ni Ginang Lipata.

​

Gaya ng mga problema, ang pandemya ay may solusyon na makakamit natin, hindi man natin alam kung kailan ngunit hindi dapat tayo mawawalan ng pag-asa gaya ni Ginang Lipata at ng mga guro ng Geronimo ay nakagawa ng solusyon at nadaan sa diskarte ang pag-dedemo nang magkaharap at may pisikal na interaksyon.

Agham

© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School

school logo_edited.png
bottom of page