top of page
  • Facebook
  • Gmail Logo
Bantayog.png

English Month: Bawat Bata Bumabasa sa Kabila ng Hamon ng Pandemya

Rian Nicole Pitallano
Eco Shop

Nobyembre na pala! Sigurado ako na ang naaalala niyo kapag narinig niyo ang buwan ng Nobyembre ay ang Halloween, o kaya ang araw ng bayani nating si Andres Bonifacio. Ngunit may nakalimutan tayong mahalagang impormasyon tungkol sa buwan na ito at iyon ay ang ipinagdiriwang ang English month tuwing Nobyembre. Panibagong buwan, panibagong pagsubok, panibagong hamon at panibagong pagkakataon para sa ating lahat. Handa ka na bang balikan ang English Month at alamin kung paano ito ipinagdiriwang ng Licerio? Tara na!

​

Nagsimula ang selebrasyon ng English month sa pamumuno ng mga guro sa English department at isinagawa ito sa ika-26 ng Nobyembre. Ito rin ay ipinagdiwang sa pamamagitan ng Google Meet at pagsasagawa ng live sa Facebook page ng ating paaralan upang mapanood at masuportahan ng ibang mga estudyante ang pambato ng kanilang suportadong kalahok. Ang tema ng English Month ngayong taon ay "Bawat Bata Bumabasa sa Kabila ng Hamon ng Pandemya," at ang mga paligsahang maaaring salihan ay ang essay writing, poem writing, photo essay, spelling bee, at spoken poetry.

​

Nakasungkit naman ang maraming ka-heneral ng mga karangalan at apresasyon sa kanilang pagiging aktibo sa ganitong mga patimpalak sa Licerio. Bilang pasasalamat, niregaluhan ang mga estudyante na nagwagi sa paligsahan ng mga matatamis na pagkain at binigyan din sila ng sertipiko. Tunay ngang ang Licerio ay hitik na hitik sa kaalaman at hindi magpapatumpik-tumpik pa na ipamalas ang kanilang mga natatagong kakayahan. Ang mga ka-Heneral ay hindi lamang disiplinado kundi talentado pa!

​

Sa kabila ng hamon ng pandemya, naipagdiwang natin ang English Month ngayong taon nang masigla at ito ay nakapagbigay sa atin ng ligaya at kaba. Binibigyan naming pasasalamat at pagbati ang mga nanalo sa paligsahan na ginanap noong Nobyembre at ipagpatuloy nawa ninyo ang pagsisikap upang makamit niyo ang inyong mga pangarap. Taos puso ring pasasalamat sa mga guro ng English Department para sa isang masayang buwan. Katulad ng tema, bawat bata ay bumabasa sa kabila ng hamon ng pandemya kaya huwag kayong sumuko at tuparin ninyo ang inyong mga pangarap sa pamamagitan ng pag-aaral kahit pa sa gitna ng pandemya.

Agham

© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School

school logo_edited.png
bottom of page