top of page
  • Facebook
  • Gmail Logo
Bantayog.png

Guro ng Licerio, Naghahanda na sa Pagbabalik ng New Normal

Hannah Kriztefan Angeles
271567898_1271469276667664_4332307774334574821_n.jpg

Nagsagawa ng face to face demonstration ang mga guro ng Licerio bilang paghahanda sa posibilidad na pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral sa paaralan noong ika-18 ng Oktubre taong 2021 sa Gen. Licerio Geronimo Memorial National High School (GLGMNHS).

 

Sa ganap na 10:30 hanggang 11:30 ng umaga na ginanap sa loob ng bagong four-storey DepEd building, pinangunahan ni Gng. Lara Andrea Lipata, bilang demonstrator, ang nasabing face to face demo at ang mga guro rin ng paaralan mula sa MAPEH department ang nagsilbing mga estudyante nito.

 

 “Mahalaga ang paghahanda dahil ito ay higit na makakabuti sa guro at lalong higit sa mga mag aaral. Mapanatili ang kagalingan ng mga guro at mahasa pa ang aming kakayahan,” panayam ni Gng. Lipata.

 

Gumanap na estudyante ang 20 guro noong siya ang naging demonstrator at si Dr. Esmalia Cabalang at G. Fredelito Cabalang ang nagsilbing observer sa demo na tumagal nang mahigit isang oras, at nakabase ang pagtuturo dito sa Learning Exemplar (lesson plan) na ginawa ng gurong nagdemonstrasyon.

 

“Sa aking palagay sa sitwasyon ngayon ng pandemya ay may mga kailangan ikonsidera bago isagawa ang face-to-face classes. Una, sa laki ng populasyon ng Licerians ay mahihirapan tayo na pagkasyahin ang mag aaral sa mga silid aralan ng may kaukulang tamang distansya at iba pang safety protocols. Pangalawa, hindi lahat ng mag-aaral at guro ay bakunado kaya may tsansa pa rin na magka surge. Sa kabila nito, ginagawa pa rin ng paaralan upang makapaghatid ng dekalidad na edukasyon para sa lahat ng batang Licerio,” dagdag pa ng guro.

 

Gayumpaman, sinisikap pa rin ng mga guro na makapaghanda sa posibleng pagbabalik normal ng klase sa oras na payagan na ng pamahalaan ang face-to-face classes sa bansa.

© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School

school logo_edited.png
bottom of page