Araw para sa mga Gabay ng ating Kinabukasan
Rian Nicole Pitallano
Sa iyong talambuhay, sigurado akong nagdiwang ka na o kaya ay pamilyar sa okasyong National Teachers’ Day. Ang National Teachers’ Day ay ang araw ng pagbibigay natin ng pasasalamat sa ating mga guro para sa kanilang mga naitulong at kasipagan nila upang tayo ay mabigyan ng kaalaman sa bawat araw ng ating pag-aaral. Bawat taon ay may surpresa ang mga estudyante sa kanilang mga guro. Ngayon naman ay tuklasan natin ang mga sorpresang inilahad sa atin ng Gen. Licerio Geronimo Memorial National High School (GLGMNHS). Halina’t tingnan natin ang mga aktibidad ng Gen. Licerio Geronimo Memorial National High School para sa National Teachers’ Day ngayong taon!
​
Nagaganap ang Teacher’s Day sa ika-lima ng Oktubre bawat taon. Ngayong school year ay hindi tayo nakapagdiwang ng face-to-face National Teachers’ Day dahil sa COVID-19 ngunit hindi tayo matatalo ng pandemya sapagkat may mga aktibidad pa rin tayong nagawa sa araw ng mga guro kahit nasa loob lamang tayo ng bahay.
​
Para sa buwan ng mga guro, naglunsad ang paaralan ng iba’t ibang mga proyekto upang matulungan ang mga kabataan. Ang mga ito ay ang Project Tikas Heneral, Project ilaw, Project Kuwaderno at ang School Pantry o ang Bente para sa Licerio Project. Habang ating pinagdiriwang ang National Teachers’ Day ay naglunsad ng eleksyon ang ating paaralan para sa bagong mga estudyanteng mamamahala rito o ang Supreme Student Government (SSG) ng GLGMNHS. May mga surpresa rin ang bawat baitang sa kanilang mga guro sa bawat asignatura at mga taga-payo katulad ng mga pasasalamat sa pamamagitan ng pagbibidyo, pagpopost sa mga social media ng kanilang kagalakan na nakilala nila ang kanilang mga guro, mga pranks at madami pang iba.
​
Sa kabila ng pandemyang nararanasan, nagagawa pa ring tumulong ng ating mga guro sa atin. Ngayong buwan ay dapat tayo ang nagbibigay sa kanila ng mga munting handog ngunit sila ang nagbigay para sa mga mag-aaral. ‘Di maipagkakailang mahirap maging isang guro ngunit kinakaya ito ng ating mga pinakamamahal na ma’am at sir upang tayo ay magabayan at mapalawak ang kaalaman kaya’t nararapat na sila’y pasalamatan sa loob ng ilang taong pagmamahal na ipinaramdam nila sa atin.
Iba Pang Balita
Pangmukha
Balita
Editoryal
Lathalain
Literatura
Isports
Agham
© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School