Imahinasyon ng Dilim
Hannah Mickaela Oracoy
Naglalaban ang ingay ng hagulgol ni Jeanne sa ingay ng ulan at bubong ng bahay nila Jeanne. Narinig ng kasintahan ni Jeanne ang kanyang iyak kaya't kinatok niya ito sa kwarto. Kauuwi lang ng kasintahan ni Jeanne na si Vanitas galing sa trabaho, alas-onse na.
​
"Jeanne, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Vanitas.
​
Katahimikan.
​
Kasabay ng pagtila ng ulan ay ang pagtigil ng hagulgol ni Jeanne. Nag-alala si Vanitas kaya't sinubukan niyang buksan ang pinto. Mahigpit ang pagkakasara nito kaya't kumatok ulit siya.
​
"Love, ayos ka lang ba riyan? Nag-aalala na ako," hindi mapirming tanong ni Vanitas.
Walang sumagot.
​
"Jeanne, sisirain ko 'tong pinto. SUMAGOT KA!" Kumuha si Vanitas ng martilyo at sinimulang sirain ang hawakan ng pinto. Pag bukas ng kuwarto ay malamig na hangin ang sumalubong kay Vanitas, BUKAS ANG BINTANA!
​
Hawak ang martilyo lumabas ng bahay si Vanitas. Sinalubong siya ng mga ulap na nagbabalik para umiyak.
​
"MR. VANITAS ELLENIO ITAAS MO ANG KAMAY MO!" Sigaw ng baritonong boses.
"DEMONYO KA! ANONG GINAWA MO SA ANAK KO!" Matinis na sigaw ng ale.
"Arestado ka sa salang pag-patay sa iyong kasintahang si Jeanne Lovewood." Ani ng lalaki.
​
Nanginginig na tumingin si Vanitas sa kanyang kamay. Nagkasalubong ang dalawa nilang mga matang tsokolate.
​
"Jeanne..."
Iba Pang Balita
Pangmukha
Balita
Editoryal
Lathalain
Literatura
Isports
Agham
© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School