Buwan ng Agham, Ipinagdiwang ng Licerio
Jasmine Curammeng
Noong nakaraang Setyembre 2021, ipinagdiwang ng Gen. Licerio Geronimo Memorial National High School (GLGMNHS) ang buwan ng agham na pinamunuan ng mga gurong sumusunod na mula sa Science department; Cathrina O. Bilgera, Rogeline G. Vergera, Elizabeth C. Cruz, Jhon Ray C. Catalan, Weniella A. Germono at Jose A. Naños lll. Ang paaralan ay nagkaroon ng mga aktibidad gaya ng Quiz Bee contest, Poster Making contest, Slogan Making contest at EnviroTikTok contest.
​
Narito ang mga nagwagi sa bawat patimpalak ng paaralan; Jenica Jesh P. Pama bilang 2nd place ng quiz bee contest, Francis Edward Q. Arinton bilang 1st place ng quiz bee contest at Camyl Franz O. Balboa bilang champion ng quiz bee contest. Sa poster making contest naman ay si Jhaynie May Ancheta bilang 2nd place, Eunice Ann Alachua bilang 1st place at Camyl Franz O. Balboa bilang champion ng poster making contest. Sa patimpalak na slogan making, ang mga nagwagi ay sina Ma. Theresa Clarisse Montalban bilang 2nd place, Lian Chloe Asinas bilang 1st place at Princess Lorelai Salonga bilang champion. Sa EnviroTikTok contest naman at sina Mira Shaine C. Cabarubia bilang 2nd place, Maleign Lourine R. Cayetano bilang 1st place at ang huli, si Laurice Avie C. Feliciano bilang champion ng patimpalak.
​
”Masasabi ko pong naging matagumpay ang mga naging programa hindi lamang sa pagpapakita ng galing ng mga batang ka-Heneral kundi naipakita rin ang pagtutulungan ng buong departamento ng Agham at maging ang pakikiisa ng mga iba pang gurong ka-Heneral sa pamumuno ng ating Punong-guro na talaga namang nagpakita ng suporta mula simula hanggang matapos ang mga programang nailahad,” ani Ma’am Elizabeth Lerion
​
Matatandaan na ginanap ang unang beses ng selebrasyon ng buwan ng agham noong nakaraang taon sa pamamagitan ng mga online platforms katulad ng Facebook live at google meet, at ipinagpatuloy ang sistemang ito sa ikalawang pagkakataon.
“Bukod rito, napatunayan na hindi hadlang ang kasalukuyang pandemya upang magpatuloy ang paglinang ng kaalaman at galing ng mga mag-aaral.” panapos ni Gng. Lerion.
Iba Pang Balita
Pangmukha
Balita
Editoryal
Lathalain
Literatura
Isports
Agham
© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School