Ang Buwan ng Agham
Deza Ahiel N. Geraldez
Litrato mula sa ginanap na Enviro-Quiz Bee
Ang buwan ng Agham ay isang pag-alala sa mga naitutulong ng Agham sa mundo, sa kapaligiran at sa progresibong teknolohiya na napasasakamay ng mga tao. Ang Agham ay nagbibigay ng maraming bagay at kaalaman na napakikinabangan ng madla. Ang Gen. Licerio Geronimo National Highschool (GLGMNHS) ay may mga aktibidad na isinagawa bilang pagdiriwang sa buwan ng Agham.
​
Sa pagsasagawa ng buwan ng Agham, ang GLGMNHS ay may mga aktibidad na pinangunahan ng lahat ng guro sa Agham ng paaralan na tinawag na “Sci-Force.” Isa na rito si G. John Ray Catalan at kasapi rin dito ang General Parents-Teachers Association (GPTA) ng paaralan. Suportado naman ng punong-guro na si Dra. Esmalia Cabalang ang mga programa na magaganap sa nasabing selebrasyon ng paaralan.
​
Ang ilan sa mga aktibidad sa buwang ito ay; Enviro-Quiz Challege, DIY Tiktok Challege, Let a Million Flowers Bloom, Poster and Slogan Making Contest, Enviro-Tiktok Life Hack Challege at marami pang iba na nagpapakita ng pagpapahalaga ng Agham sa buhay ng mga tao at ng kapaligiran, dahilan nito ang lalo pang pag-aalaga ng mga tao sa kalikasan.
Halos lahat din ng mga estudyante sa ODL class ng eskuwelahan ay nakilahok sa mga aktibidad noong Buwan ng Agham. Nagkaroon din ng culminating activity ang Science Department kaya naman nabigyan ng pagkilala ang mga ipinamalas na galing ng mga nanalo sa mga aktibidad sa Buwan ng Agham.
​
Ayon sa Yes-O President na si Jazzlyn Saño, ang mga mag-aaral ay aktibo sa mga pampaaralang paligsahan katulad na lamang ng mga isinagawang patimpalak noong Buwan ng Agham. Hindi maipagkakaila na aktibo ang paaralan sa mga aktibidad tuwing may mahalagang pangyayaring iginugunita, at ang mga estudyante naman ay masaya at aktibong nakilalahok dito sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kanilang galing, talino at interes sa mga pagdiriwang ng Licerio.
Iba Pang Balita
Pangmukha
Balita
Editoryal
Lathalain
Literatura
Isports
Agham
© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School