top of page
  • Facebook
  • Gmail Logo
Bantayog.png

Naalimpungatan lang si Sir

G. Jerome Ramoneda

Ang hirap bumangon. Tila naninigas ang mga laman sa nakapanginginig na lamig ng panahon. Pero kailangan ko nang idilat ang mga mata ko. Tunog na nang tunog ang alarm ng cellphone.

​

Eeeengk! Eeeengk! Eeeengk!

​

Kaya pa yan. May 10 minutes pa bago mag-alas siyete. Late din namang pumapasok ang mga bata sa online class namin. Idlip lang ulit ako saglit.

​

Eeeengk! Eeeengk! Eeeengk!

​

Hay! Sige na nga, heto na! Babangon na! Mamaya na lang makahilamos at makasipilyo total hindi naman tatagos ang amoy ko sa mga gadget nila. May filter din naman ang camera kaya di halatang bagong gising.

​

Nagsend na ako ng link ng online meeting sa online classroom. Limang minuto na. Bakit kaya wala pang pumapasok?

​

Makapag-chat nga sa group convo namin. Kakapikon ah. Ang hirap pa naman bumangon.

“Anong oras na? May balak ba kayong pumasok, ha?”

​

Nag-reply ang presidente ng klase, “Sir, simula na po ng Holiday break, ‘di po ba?”

Agham

© 2022 Opisyal na Pahayagan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School

school logo_edited.png
bottom of page